Ano ba ang Dawn Phenomenon sa may Type 2 Diabetes?

8 February 2025

Ang Dawn Phenomenon ay ang pagtaas ng asukal sa dugo (glucose) sa umaga na karaniwang nangyayari sa pagitan ng  alas dos hanggang ika walo ng umaga(2 AM at 8 AM) dulot ng pagbabago sa hormones (hormonal changes) bilang paghahanda ng katawan sa pag gising.

Bakit Nangyayari ang Dawn Phenomenon?

Habang natutulog, nagsisimulang tumaas ang mga hormones kagaya ng:
Cortisol – stress hormone na tumutulong sa paggising.
Glucagon – nagpapataas ng blood sugar.
Growth Hormone – tumutulong sa metabolismo at paglaki.

Dahil dito, sinasabihan ng katawan ang atay na maglabas ng glucose para magbigay ng enerhiya sa umaga. Pero sa mga may Type 2 Diabetes o insulin resistance, hindi ito agad na-regulate ng insulin, kaya tumataas ang fasting blood sugar o FBS.

Paano Ito Maiiwasan o Mababawasan?

💡 Mag-ehersisyo sa gabi – Tumutulong sa regulation ng glucose.
💡 Huwag kumain ng pagaking mataas sa carbohydrates sa gabi – Mas kaunting stored glucose ay mag re resulta sa mas mababang pagtaas sa umaga.
💡 Uminom ng tubig na may Apple Cider Vinegar bago matulog – Nakakatulong ito sa pag control ng blood sugar.
💡 Kumain ng high-protein sa gabi – Nakakatulong sa blood sugar stability.
💡 Sapat na tulog at tamang exposure sa araw.

Sa intermittent fasting, kadalasang napapansin ang Dawn Phenomenon dahil wala kang kinakain sa umaga, pero hindi ibig sabihin na lumalala ang diabetes—madalas, ito ay normal at bumababa rin ang blood sugar kalaunan sa araw.